The Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano Sequera This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net Title: Justicia Nang Dios Author: Mariano Sequera Release Date: October 10, 2004 [EBook #13683] Language: Tagalog Character set encoding: ISO-8859-1 *** START OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUSTICIA NANG DIOS *** Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. [Transcriber's note: Tilde g in old Tagalog which is no longer used is marked as ~g.] [Paalala ng nagsalin: May kilay ang mga salitang "ng, mga," at iba pa upang ipakita ang dating estilo sa pag-sulat ng Tagalog na sa ngayon ay hindi na ginagamit.] JUSTICIA N~G DIOS M~GA ILANG BAGAY NA INASAL DITO SA FILIPINAS NANG MAN~GA FRAILE, SINULAT NI MARIANO SEQUERA Redactor sa pamahayagang ANG KAPATID N~G BAYAN, EL GRITO DEL PUEBLO at sumusulat sa iba,t, iba pang nilalathala dito sa Maynila. UNANG BAHAGUI NANG ¡NASAAN ANG DIOS! 1.ª Edicion. MAYNILA LIMBAGAN NI CHOFRÉ Y COMP.ª Escolta, num. 33 1899 Sa Inang Filipinas. Sa tanang supling mong tunay cong capatid na sa iyo'y nag-alay n~g bun~ga n~g isip ibig cong pumisan, cutad man ang bait, at maguing dan~gal co sa buhay na quipquip. N~g upang sacaling man~giba mang bayan na hindi sarili,t, tungtun~gán co lamang, ¡Ina co'y! marinig mauica n~g ibang aco ay sa iyo marunong magmahal. Caya n~ga,t, ang unang sumupling sa bait na hinog na bun~ga sa tangcay n~g saquit alay co sa iyo at pag-asa'y labis na ito'y sacsi rin n~g aquing pag-ibig. Yayamang dugo co, catauan at buhay, talagang iyo na, ¡oh! Ina cong bayan! bulaclac n~g isip ay ibig co namang ilangcap sa aquing sa iyo'y pagdamay. Sa bagay na ito'y cung aco'y sumapit sa pooc na ari n~g dalita,t, hapis, itong alaala'y, papaui sa saquit sanhi rin sa iyo ¡oh! bayan cong ibig. Hanganang co ito,t, aquing ipapaling ang tan~gang cong pluma sa ibig lumining nitong pinag-ugnay n~g bait na angquin yamang talastas n~g sa iyo ang dahil. MARIANO SEQUERA. Pasimulá. Manang isang hapong dinalao ang buhay niyaong magcaumpoc na lungcot at lumbay, sa isang uupan aco'y, nagulaylay at pinaguauari itong calagayan. Ualang ano ano'y, sumilang sa isip yaong paglilibang sa _jarding_ mariquit caya n~ga,t, sa lagay aco ay tumindig hinanap ang simoy n~g han~ging malamig. At aquing tinun~go na cusang hinanap ang pooc na tunay n~g tanang bulaclac pagdating co roo'y, pinili co agad ang lalong mariquit, at aquing pinitas. N~guni at nalooy, nalagas na tunay nalanta n~gang cusa,t, ban~go ay naparam, napaui ang gandá, lumipas ang culay, caya,t, ang puso co ay muling nalumbay. At saca inisip cung ano ang dahil bulaclac na tan~gan nalungcot naman din, puso co'y tumiboc n~g tiboc mahinhin at uari'y, pinucao ang aquing panimdim. Pinag-ugnay-ugnay yaring paquiramdam saca binalangcás sa isip ang bagay, niyaong co natanto,t, nabatid na tunay, ang lungcot na yao'y, dahil din sa bayan. Dito co nabatid cung saan nagbuhat, cung saan sumupling ang lumbay n~g lahat, pagca,t, natanto co ang _fraileng_ dulin~gas ay binubusabos Inang Filipinas. At tuloy dinalao itong ala-ala niyaong ualang n~galan na aquing naquita asal na mahalay guinaua n~g _cura_ sa isang mag-inang ipinahamac niya. Ang nangyaring ito'y siyang isusulit at gauing liban~gan n~g tanang capatid JUSTICIA N~G DIOS siya cong na-isip itauag sa gayong namasda,t, nabatid. Ang sumulat. Puno nang salita. Cailan mang panahon ang casamaan cung umiral ma'y sa sandali lamang Aco. May isang mag-inang taga ibang bayan, aquing nalimutan cung ano ang n~galan; ang mag-inang ito'y, mahirap ang buhay, baquit ulila na sa dapat magmahal. May loob sa Dios ang babayeng anac may impoc na puri baga ma,t, mahirap maganda ang asal, matamis man~gusap sino mang tumin~gi'y malulugod agad. Ang caniyang ina,y lubha ring mabait di saquim sa pilac, totoong malinis, sa arao at gabi'y ualang ini-isip cung hindi ang gutom canilang mapatid. Sa isang paraang mabuti,t, mahusay, at hindi naghan~gad n~g anomang yaman, cung di yaong anac malinis matanao sa harap n~g mundo,t, hangang calan~gitan. Dapua,t, niyaon n~ga'y may isang dumating sa canilang bayan isang _fraileng_ saquim; at doo'y nagcura nan~garal na tambing n~g utos n~g Dios na dapat ganapin. Diua ay dinalao n~g gauang pagsinta ang puso at loob n~g nasabing cura, caya,t, monaguillo'y, tinauag pagdaca,t, agad pinahanap n~g isang dalaga. Aniya'y, libutin ang loob n~g bayan at iyong sabihin sa m~ga magulang na may m~ga anac na dalagang tunay na sa arao arao'y, pasa sa simbahan. At huag lilimuting sila ay sasaglit matapos magsimba sa convento'y, manhic at ito'y, bilin co siyang isusulit sapagca,t, utos n~ga: n~g Dios sa lan~git. Itong monaguillo'y, agad n~g sumagot: na caniyang tutupdin sa among na utos, caya n~ga,t, nalis na at cusang naglibot at sa bahay bahay ay manhic manaog. Palibhasa n~gani ay utos n~g cura. lahat n~g magulang tumupad pagdaca at sa arao arao ay nan~gagsisimba,t, anac na dalaga'y, canilang casama. Pangagaling pa n~ga doon sa Simbahan sa convento nama'y man~gagtutuluyan: sasalubong dito ang _among_ sa bayan at magpapahalic sa lahat n~g camay. Dumating ang arao sa gayon n~g gayon, dalauang mag-ina'y, piniguil n~g _among_, aniya'y: Mag-antay at may itatanong sa iniyong dalaua'y, tila nauucol. N~g mapag-iuan na niyaong caramihan dalauang mag-inang piniguil na tunay ang pag-uusisa dito na minulan n~g _guinoong curang_ may asal halimao. Aniya'y: ¿Ano ba iniyong paghahanap, saan quinucuha cailan~gang lahat? ang sagot n~g ina:--Ang aquin pong anac tahiing damit sa bahay natangap. Ang tugon n~g cura: anac mo'y, magandá ang bagay sa caniya'y, tauaguing _maestra_, aco ang bahala ilalacad siya,t, huag n~g manahi magpacailan pa. Ang ina'y, sumagot, sa ganitong turing; --Salamat po _among_ sa iyong pagtin~gin, cahimanauari icao po'y, gantihin n~g Dios sa lan~git sa gauang magaling. Madali,t, salita dumating ang arao ualang ano ano'y, tumangap n~g dalao, n~g isang _sacristan_, mag-inang tinuran sila'y, tinatauag n~g _among_ sa bayan. Ang mag-inang ito'y, umayo,t, sumama sa doroong tauong alila n~g cura, ualang guni guni, ualang ala-ala cung di ang pan~gacong maguiguing _maestra_. N~g sila'y, dumating sa harap n~g _among_ at nacahalic na sa camay n~g _ungoy_, ang uica n~g cura'y: Tinangap co n~gayon ang _nombramiento_ na aquing nilayon. Caya n~ga at icao uica sa dalagá magbuhat na n~gayo'y, tunay n~g maestra, dito sa bayan mo, at iiuan mo na yaong pananahi na ualang halagá. Tandaan mo lamang itong aquing bilin na sa arao arao huag lilimutin, ang lahat n~g bata ay iyong dadalhin dito sa _Convento,t,_ iharap sa aquin. Sagot n~g _maestra'y_: Aquing tatandaan ang tanang bilin po n~g _among_ sa bayan, pagcasabi nito, sila'y, nagpaalam ang toua n~g ina'y, ualang macapantay. Sa pagca,t, di alam ang nasa sa loob n~g curang sinambit na nagmamaayos, ang acala niya'y ang gayon ay taos sa puso at dibdib n~g lilo't balaquiot. Magbuhat na niyaon, sa gabi at arao _Maguinoong_ cura'y laguing dumadalao, sa mag-inang ito't ang dinadahilan ay, ang pan~gan~garal n~g mabuting asal. N~guni at datapua't manang isang hapon ualang ano ano'y nagsulit ang _among_ aniya,y: Tingnan mo, sa ina ang tucoy, ang ninanasa co at dinguin mo n~gayon. Malaqui ang aquing dalang pagmamahal sa anac mong iyan at magandang asal, caya't yamang cayo'y ulila n~g tunay sa aquin ay cayo,y mabuting pumisan. Talastas mo namang maigui ang capit n~g sino mang tauong sa cura'y sumanib gayon din sa pilac ualang isusulit at sino mang _frayle'y_ sagana at sicsic. Hindi ca daramdam n~g ano mang hirap igagalang ca pa n~g capua mong lahat, balana'y pupuga'y sa iyo't tatauag _macapangyarihan, papel ay malapad_. Ang tugon n~g ina'y: Pangit pong malasin sa mata n~g lahat cung ito'y asalin, caya po't iurong ang nais na linsil ualang masasapit ano mang marating. Mabuti pa po n~gang tauaguing mahirap, marumi ang damit, sa dan~gal ay salat, huag n~g maturan na aco'y may anac babaye n~g cura ... ¡Dios co ay huag! Sumagot ang cura sa ganitong sulit, aniya'y: Babaye, icao ay mag-isip, dapat acalain na cung aquing ibig, ni ang _gobernador_ di maiaalis. Pag nagcataon pa'y aco'y aayunan balang sabihin co'y mangyayaring tunay, caya't isipin mo itong isinaysay, bucas macalaua'y huag pagsisihan. Tugon n~g babaye: icao po'y bahala balang ibiguin mo'y mangyayaring paua; sa ninanasa po'y ualang magagaua pagca't sinun~galing ang balat n~g lupa. Malaqui mang lubha ang capangyarihan nino mang _frayleng_ magcura sa bayan, ualang masasapit, cung pagpipilitang ilapat sa aquin ang pan~git na asal. Itong sinabi co'y itanim sa isip at pagtitibayin buhay ma'y maamis, ¡di co acalaing mag asal bulisic, ang isang _ministro n~g Dios_ sa lan~git! Nang ito'y marinig n~g curang causap sa pagcaupo n~ga'y tumindig caagad, at saca uinicang:--¡Tandaan mong lahat, darating ang arao siyang pagbabayad! Tuloy n~g nanaog n~g ualang paalam ang sucab na tauong may asal halimao, magbuhat na niyaon sa gabi at arao ualang iniisip cung di _cahayupan_. Caya't sa _convento_ n~g siya'y dumating yaong _monaguillo'y_ tinauag na tambing aniya'y: Susundin, itong ibibilin, gagauin mo agad, huag lilimutin. Na mamayang gabi'y sunuguin ang bahay dalauang mag-inang quilala mo naman: ¿Bahay n~g _maestra_? sagot n~g _sacristan_, oo, ang uinica n~g cura sa bayan. --Aquin pong susundin ang mahal na utos, pagsunod na ito'y mapait sa loob, pagca't yaring puso'y uari'y natatacot sa sising darating n~g tunay na Dios. Ang sagot n~g cura: Huag ca n~gang balio ibig mo pa yata'y man~guna sa aquin, narito ang UALONG PISO at tangapin, huag cang main~gay at aco ay sundin. Tinangap ang pilac n~g saquim sa yaman nag ualang bahala sa lahat n~g bagay, caya't ang guinaua'y naghanda n~g tunay tanang gagamiting panunog n~g bahay. At pagcagabi n~ga lubha n~g tahimic, tinun~go ang daan at cusang lumapit sa tinitirahang bahay na maliit dalauang mag-ina na cahapis hapis. Saca sinusuhan ang apat na suloc, ano pa't sa apoy sila ay mabalot, ang batang babaye'y sa laqui n~g tacot taas n~g bintana'y nilucso't nilusob. Naiuan ang inang natupoc sa apoy matandang babayeng napag-isa doon, caya n~ga't ang anac hindi napatuloy pag layo't pag alis, piguil n~g panaghoy. Sa sama n~g loob siya'y napahimpil sa tabi n~g isang malapit na dinding, n~g calapit bahay, na hindi dinating n~g nin~gas n~g apoy, dahil n~g hilahil. Sa lagay-na ito'y bigla siyang guinilic n~g dalauang tauong di niya nabatid, at siya'y dinala at cusang piniit doon sa _conventong_ tirahan n~g ganid. Sumunod na arao, ¡ano ang gagauin! siya'y naroon na dapat n~g silain, gayong cahirapang, palad ay alipin n~g capua palad, na ualang cahambing. Ang hunhang na cura'y siya'y nilapitan sa paghihimutoc siya'y niligauan, ¡ang _aspid_ na loob hindi na gumalang sa luha n~g batang ulila n~g tunay! Aniya'y: Masdan mo sinapit dinating n~g calagayan mong aayao sa aquin, pag di pa pumayag sa aquing pag guilio mapapahamac ca di aco titiguil. Ang sagot n~g bata: Aco ma'y mamatay, ay hindi papayag sa masamang daan; ang tugon n~g cura: Iyong pag-isipan, sa cuartong ito'y quita'y babalican. Magbuhat na niyaon ang cahapis hapis na inaalipin n~g madlang hinagpis, sa arao at gabi'y nataas sa lan~git caniyang panaghoy na sanhi n~g saquit. Caya't n~g magbalic ang curang ulupong ang ulilang bata'y hindi nahinahon; agad n~g guinamit ang ganitong tanong: ¿Inisip mo na ba? ¿at ano ang tugon? Sumagot ang bata: Icao po'y mahabag sa abang lagay cong busabos n~g hirap, caya n~ga't dinguin mo itong paquiusap sa aquing confesor aco ay haharap. Confesor na ito'y isa n~gang _clérigo_ may tunay na loob at mabuting tauo, ito ang marapat tauaguing _ministro_ n~g Dios sa lan~git lubhang masaclolo. Ang tugon n~g cura sa gayong pamanhic: Hindi mangyayari cahit mo ipilit, at hangang hindi ca na sagot sa sulit sagot na paayong aquing ninanais. Sa sama n~g loob n~g batang na iyac tumugon n~g uicang lubhang mabanayad; Oo na po _among_ mamaya tutupad caya't magbalic po at aco'y pápayag. Sa bagay na ito'y ang curang bulisic sumagot n~g: Oo't pagdaca'y nalis; guinaua n~g bata'y tumaanang pilit na di namalayan nino mang casanib. Pagdaca'y tinun~go at cusang hinanap caniyang confesor na may puring hauac, pagcaquita niya'y agad n~g tumauag, may luha sa mata't siya'y napalin~gap. Ang sagot sa caniya: Huag n~g magbalic sa _coventong_ yaon n~g curang bulisic, aco ang bahalang sa lahat umusig at mananagot pa sa caniyang nais. Caya n~ga't nangyari'y sabihin sa aquin n~g aquing matanto't siya ay usiguin; Cung gayon po'y tingnan, ang sa batang turing aquing dinaanan n~gayo'y sasalitin. Aco po'y ulila sa guilio na ama at nalabing toua co'y pag-lin~gap ni ina, aming pagcabuhay tumangap toui na n~g tahiing damit mahal man ó mura. N~guni't isang arao cami'y pinatauag n~g curaug hindi na natutong mahabag, at tuloy sinabing iuan co ay dapat yaong pananahing aquing paghahanap. Acala ni ina'y mabuti ang nais, n~g curang sinabing, sa ami'y nagsulit, na aco'y gagaouing _maestra_ sa pilit caya't ang salamat siyang ipinalit. Dumating ang arao n~g capan~gacuan n~g cura sa aquing _titulong_ sinaysay, caya po't nangyaring _nagmaestrang_ tunay dito po sa guilio at nilac-hang bayan. N~guni't isang hapon ang cura ay nanhic sa amin pong bahay pagdalao ang nais, ualang ano ano cay ina'y nagsulit n~g lubhang mahalay tungcol sa pag-ibig. Sumagot si inang ano mang sapitin hindi siya papayag sa bagay na turing, sa lagay na ito'y ang lilo at soail, umalis na bigla't anaquin ay haling. Pagcagabi n~ga po'y sinunog ang bahay niyaong _monaguillo_ na caniyang utusan, doon po'y si ina ¡Dios co'y namatay! natupoc sa apoy na dulot n~g hunghang. Sa bagay pong ito'y, aco'y, naninimdim at sa isang suloc aco'y, napahimpil, ualang ano ano'y, lumapit sa aquin dalauang lalaquing may suot na itim. At aco'y, dinala sa _conventong_ tunay ipinasoc tuloy sa cuartong nalaan, at n~g naroon na pinto ay sinarhan at aco'y piniit n~g ualang dahilan. Pagca umaga po'y lumapit sa aquin ang curang doroon, nagsulit na tambing, aniya,y: Tignan mo, sinapit dinating n~g lilong ina mong palalong magturing. Sa paghihinagpis aco'y niligauan ang luha n~g puso,y di man iguinalang ... pag ligao na yao'y inululang tunay saca nilangcapan n~g balang mahalay. Caya po,t, sagot co siya ay magbalic at aco'y papayag sa ninasang lihis, saca n~ga n~g siya, doon ay umalis aco namang ito'y nagtanan n~gang pilit. Caya po narito iyong saclolohan sa n~galan n~g Dios, huag pabayaan: sa lagay cong ito'y maaua pong tunay at yaong _justicia_ ang hin~gi co lamang. Ang sagot n~ga nitong caniyang confesor justicia, justicia, sa iyo'y aampon, caya't omoui ca, aco'y paroroon, cung hanapin ca pa n~g curang ulupong. Paroon sa bahay n~g iyong magulang tiahin ó lelang ó caya pininsan, saca tumahimic sa sariling lagay aco ang bahala sa lahat n~g bagay. Nang ito'y matanto n~g batang causap ligalíg na loob tumahimic agad, at tuloy omoui na cusang hinanap ang bahay n~g aleng labing camag-anac. N~guni't hindi pa lumilipas halos ang arao na yaon, balita'y sumabog siya'y hinahanap n~g curang may poot dahil sa nag-asal n~g uala sa, ayos. Caya n~ga't sa bahay n~g aleng tinuran ay doon inabot n~g cura't sacristan, ang batang babayeng ulila sa layao, capos sa ligaya at sa toua'y uhao. Nang siya'y maquita n~g curang bulisic pagdaca'y uinicang; ¡oh babaying ganid! acala mo yata aco'y palulupig sa isang paris mong licó ang matouid. Capag hindi ca pa sumama sa aquin asahan mo na n~ga na may sasapitin ang lagay mong iyan na calaguimlaguim, marahil hindi mo maubos tayahin. Hangang nagsusulit ang curang halimao, ang batang babaye'y nag-utos na tunay n~g palihim pa n~ga confesor tauagan sa caniyang bahay siya'y saclolohan. Caya n~ga't nag-abot ang dalauang ito sa bahay n~g bata, _cura_ at clérigo, dito na minulan yaong pagtatalo tungcol sa gagauin n~g tunay na tauo. Ang uica n~g cura, sa bata ang tin~gin icao ay sumamang madali sa aquin, dito na tumugón clérigong mahinhin aniya'y turan mo cung ano ang dahil. --Siya'y nagtaanan sa aquin convento nilibac ang utos _Santo sacrificio_, caya n~ga at n~gayon aco'y naparito upang parusahan sa dahil na ito. Sagot n~g clérigo'y icao ay tumahan huag cang humanap n~g lilong dahilan, cung caya ang bata sa iyo'y nagtanan dahil sa ang ibig puri ay in~gatan. Sapagca't icao n~ga'y di dapat tauaguing ministro n~g Dios, lubhang maauain, dahil sa asal mo'y totoong napuing sa hatol n~g lan~git na ualang cahambing. Sinisira mo n~ga bilin n~g _cánones_ nilalabág mo pa sampuo pa n~g _leyes_, ¿hindi mo ba tantong doo'y nacatitic na baual sa clero ang asal bulisic? ¿Hindi mo ba alám ang dapat asalin n~g sino mang fraile, anomang marating? ¿di ba sa _breviario_ may tunay na bilin sa clero'y ang linis, ang dapat gamitin? Cung ito'y alam mo ¿baquit mo hinamac ang mahal na bilin n~g leyes na lahat, sanhi sa nais mo na nasa n~g oslac? hayop ang sa iyo'y dapat na itauag. Tumugon ang curang may impoc na galit tiguil sinun~galing, icao ang bulisic marunong sa lahat, pati pa n~g lan~git ibig pang maabot n~g haling na isip. Sumagot sa gayon, doroong clérigo n~g uicang mamaya magquiquita tayo, tutun~go sa _Juez_ at isusumbong co ang _causa criminal_ na iniimpoc mo. Alam cong icao n~ga't di ibang tunay siyang nagpasunog sa caniyang bahay, doon n~ga rin naman tupóc na namatay ang ina n~g batang ualang casalanan. Pagcauica nito'y umalis na agad yaong Juzgado ang siyang hinanap, sa bagay na ito'y ang cura'y nasindac caya't natiguilan sa sandaling oras. Mapamayamaya dumating ang _juez_ clérigo'y casama't sa bahay pumanhic, dito n~ga inabot ang curang bulisic na hinihimuyot ang bata sa lihis. Pagpasoc n~g _juez_ doon sa pintuan pagdaca'y nagsulit sa cura sa bayan, aniya'y sumama sa aquin n~ga icao sa n~galan n~g _ley_ bilango cang tunay. Ang tugón n~g cura di cana nan~ganib na aco'y bilango sa aqui'y isulit, di mo ba tantong ang gayon ay lihis aco'y cahalili n~g Dios sa lan~git. ¿Hindi baga alam may capangyarihan ang sino mang fraileng magcura sa bayan, na gobierno't _leyes_ dapat na gumalang ang gayon ay hatol n~g sangcalan~gitan? Sumagot ang _juez_ n~g sagot matigás aniya'y itiguil ang bibig mo oslac, acala mo yata aco'y nagugulat sa isang paris mong, catulad ay ahas. Papa man sa Roma'y pipiiting co rin cung siya'y suminsay sa _leyes_ na bilin, pagtupad na ito ay utos sa aquin n~g lan~git at lupa; ¡oh! ¡tauong haling! Icao po'y magsulit sabi sa clérigo ang tanang nangyari'y n~g matalastas co, clérigo'y tumugón ang batang narito ang lalong mabuting magsabi sa iyo. Dito na minulan n~g batang babaye ang lahat n~g bagay, at tanang nangyari, sa bagay na itó'y ang cura'y nagsabi na yao'y di tunay lilong pamarali. At ang sinabi pang parang idinugtong iyan ay bun~ga n~ga ng isip na pusong, naritong clérigo na may nilalayong mahalay sa bata ... ¡oh asal ulupong! Clérigo'y sumagot sa ganitong turing ¡oh fraileng halimao, tauong sinun~galing! cung ano ang puti n~g hábitong angquin sa dugó mo naman ay siyang ca-itim. ¿Nahiga ca na ba't humilig na cusa sa piling na ualang caparis na sama? ¿di na ba naumid ang lilo mong dila sa halay n~g sulit na ualang camuc-ha? ¿N~gayon ba't sala mo'y mapaparusahan ang ibig mo naman aco ay idamay? sa sama mong quilic, pati n~g catouiran ibig mong bulaguin ... ¡mahalay na asal! Cung dito'y manaog ang tunay na Dios at cusang masilip ang asal mong hayop, sa iyo'y icacapit, sa laqui n~g poot bagsic n~g parusang ualang maca ayos. Sa bagay na ito'y ang doroong _juez_ sa curang may sala ay cusang lumapit, at saca nag-uica n~g ganitong sulit dumating ang oras, maghari ang matouid. Sa hiya n~g cura ay nagpacamatay sa oras na yaong hindi namalayan, nino mang doroon cundi napaquingan ang putoc n~g isang revolver na taglay. Caya't n~g maquitang siya ay patay na clérigo'y lumapit sa batang dalaga, aniya'y masdan mo't tunay natupad na _justicia n~g Dios, totoong justicia_. At saca iniutos, ang patay ilibing ang _juez_ naman n~ga'y umoui n~g tambing, at saca ang _causa'y_ tinapos naman din n~g tama sa utos n~g matouid na bilin. Clérigo'y umoui at bata'y iniuan sa guitna n~g isang toua, at casayahan, dahil sa natapos pan~ganib na taglay n~g caniyang puring inin~gat-in~gatan. * * * * * Ito ang nangyari, nabasang capatid ititiguil co na't bahalang mag-isip, cung ang fraile'y dapat tauaguing mabait ó tauong uala na ni puso ni dibdib. Masdan mo rin naman, cung dapat quilanling ministro n~g Dios fraileng sinun~galing, cung ito ay lihis bahalang touirin n~g lalong marunong may bait na angquin. Ang bun~ga n~g cutad na isip cong taglay bun~gang namuco n~ga sa ualang capantay, na pagmamasaquit sa bayang linac-han bayang mapagtiis tanang cahirapan. At sa catunayan nitong hinanaquit di aco titiguil amomang masapit, hindi magsasauang manin~gil na tiquis sa m~ga umapi sa bayan cong ibig. _Fraile_, at _castila, maputi't maitim_ hangang mangyayari'y aquing sisisihin, at hindi tutugot anomang marating ang puri ni _Ina'y_ aquing hahabulin. _Fraileng_ ualang puso, ni habag munti man _fraileng_ camag-anac n~g lilong si Satan, _fraileng_ mananagot sa isang hucuman n~g tunay na Dios; _Justiciang maran~gal_. Caya n~ga't di sucat, itong sinasabi sa tula cong ito, na unang bahagui: ¡Nasaan ang Dios! carugtong na huli nitong sinulat co na samà n~g _fraile_. At cung sacali n~ga'y susulat na muli tungcol din sa _fraileng_ pilipit na budhi, hindi rin titiguil, cahi ma't mamuhi, sa aquin ang _papa, cardenal_ at _hari_. At icao nabasang capatid na irog guilio cong camuc-ha't casanib na loob, huag lamang baguhin sacali ma't capos ang tulang mahirap na sa iyo'y handog. Sucat na sa icao magpunó'y bahala sa balang mamasid na mali cong cathà, at tuloy gamitan n~g _isang salitang lumabac sa sulat, umayon sa nasa_. UACAS. =Man~ga casamahan nitó:= * * * * * ¡Nasaan ang Dios! Si Emilio at si María. Ang hatol nang lan~git, (comediang tagalog). * * * * * Marami pang ipalilimbag na pauang maririquit at paqui-quinaban~gang basahin. End of the Project Gutenberg EBook of Justicia Nang Dios, by Mariano Sequera *** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK JUSTICIA NANG DIOS *** ***** This file should be named 13683-8.txt or 13683-8.zip ***** This and all associated files of various formats will be found in: http://www.gutenberg.net/1/3/6/8/13683/ Produced by Tamiko I. Camacho, Jerome Espinosa Baladad and PG Distributed Proofreaders. Produced from page scans provided by University of Michigan. Updated editions will replace the previous one--the old editions will be renamed. Creating the works from public domain print editions means that no one owns a United States copyright in these works, so the Foundation (and you!) can copy and distribute it in the United States without permission and without paying copyright royalties. Special rules, set forth in the General Terms of Use part of this license, apply to copying and distributing Project Gutenberg-tm electronic works to protect the PROJECT GUTENBERG-tm concept and trademark. Project Gutenberg is a registered trademark, and may not be used if you charge for the eBooks, unless you receive specific permission. If you do not charge anything for copies of this eBook, complying with the rules is very easy. You may use this eBook for nearly any purpose such as creation of derivative works, reports, performances and research. They may be modified and printed and given away--you may do practically ANYTHING with public domain eBooks. Redistribution is subject to the trademark license, especially commercial redistribution. *** START: FULL LICENSE *** THE FULL PROJECT GUTENBERG LICENSE PLEASE READ THIS BEFORE YOU DISTRIBUTE OR USE THIS WORK To protect the Project Gutenberg-tm mission of promoting the free distribution of electronic works, by using or distributing this work (or any other work associated in any way with the phrase "Project Gutenberg"), you agree to comply with all the terms of the Full Project Gutenberg-tm License (available with this file or online at http://gutenberg.net/license). Section 1. General Terms of Use and Redistributing Project Gutenberg-tm electronic works 1.A. By reading or using any part of this Project Gutenberg-tm electronic work, you indicate that you have read, understand, agree to and accept all the terms of this license and intellectual property (trademark/copyright) agreement. If you do not agree to abide by all the terms of this agreement, you must cease using and return or destroy all copies of Project Gutenberg-tm electronic works in your possession. If you paid a fee for obtaining a copy of or access to a Project Gutenberg-tm electronic work and you do not agree to be bound by the terms of this agreement, you may obtain a refund from the person or entity to whom you paid the fee as set forth in paragraph 1.E.8. 1.B. "Project Gutenberg" is a registered trademark. It may only be used on or associated in any way with an electronic work by people who agree to be bound by the terms of this agreement. There are a few things that you can do with most Project Gutenberg-tm electronic works even without complying with the full terms of this agreement. See paragraph 1.C below. There are a lot of things you can do with Project Gutenberg-tm electronic works if you follow the terms of this agreement and help preserve free future access to Project Gutenberg-tm electronic works. See paragraph 1.E below. 1.C. The Project Gutenberg Literary Archive Foundation ("the Foundation" or PGLAF), owns a compilation copyright in the collection of Project Gutenberg-tm electronic works. Nearly all the individual works in the collection are in the public domain in the United States. If an individual work is in the public domain in the United States and you are located in the United States, we do not claim a right to prevent you from copying, distributing, performing, displaying or creating derivative works based on the work as long as all references to Project Gutenberg are removed. Of course, we hope that you will support the Project Gutenberg-tm mission of promoting free access to electronic works by freely sharing Project Gutenberg-tm works in compliance with the terms of this agreement for keeping the Project Gutenberg-tm name associated with the work. You can easily comply with the terms of this agreement by keeping this work in the same format with its attached full Project Gutenberg-tm License when you share it without charge with others. 1.D. The copyright laws of the place where you are located also govern what you can do with this work. Copyright laws in most countries are in a constant state of change. If you are outside the United States, check the laws of your country in addition to the terms of this agreement before downloading, copying, displaying, performing, distributing or creating derivative works based on this work or any other Project Gutenberg-tm work. The Foundation makes no representations concerning the copyright status of any work in any country outside the United States. 1.E. Unless you have removed all references to Project Gutenberg: 1.E.1. The following sentence, with active links to, or other immediate access to, the full Project Gutenberg-tm License must appear prominently whenever any copy of a Project Gutenberg-tm work (any work on which the phrase "Project Gutenberg" appears, or with which the phrase "Project Gutenberg" is associated) is accessed, displayed, performed, viewed, copied or distributed: This eBook is for the use of anyone anywhere at no cost and with almost no restrictions whatsoever. You may copy it, give it away or re-use it under the terms of the Project Gutenberg License included with this eBook or online at www.gutenberg.net 1.E.2. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is derived from the public domain (does not contain a notice indicating that it is posted with permission of the copyright holder), the work can be copied and distributed to anyone in the United States without paying any fees or charges. If you are redistributing or providing access to a work with the phrase "Project Gutenberg" associated with or appearing on the work, you must comply either with the requirements of paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 or obtain permission for the use of the work and the Project Gutenberg-tm trademark as set forth in paragraphs 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.3. If an individual Project Gutenberg-tm electronic work is posted with the permission of the copyright holder, your use and distribution must comply with both paragraphs 1.E.1 through 1.E.7 and any additional terms imposed by the copyright holder. Additional terms will be linked to the Project Gutenberg-tm License for all works posted with the permission of the copyright holder found at the beginning of this work. 1.E.4. Do not unlink or detach or remove the full Project Gutenberg-tm License terms from this work, or any files containing a part of this work or any other work associated with Project Gutenberg-tm. 1.E.5. Do not copy, display, perform, distribute or redistribute this electronic work, or any part of this electronic work, without prominently displaying the sentence set forth in paragraph 1.E.1 with active links or immediate access to the full terms of the Project Gutenberg-tm License. 1.E.6. You may convert to and distribute this work in any binary, compressed, marked up, nonproprietary or proprietary form, including any word processing or hypertext form. However, if you provide access to or distribute copies of a Project Gutenberg-tm work in a format other than "Plain Vanilla ASCII" or other format used in the official version posted on the official Project Gutenberg-tm web site (www.gutenberg.net), you must, at no additional cost, fee or expense to the user, provide a copy, a means of exporting a copy, or a means of obtaining a copy upon request, of the work in its original "Plain Vanilla ASCII" or other form. Any alternate format must include the full Project Gutenberg-tm License as specified in paragraph 1.E.1. 1.E.7. Do not charge a fee for access to, viewing, displaying, performing, copying or distributing any Project Gutenberg-tm works unless you comply with paragraph 1.E.8 or 1.E.9. 1.E.8. You may charge a reasonable fee for copies of or providing access to or distributing Project Gutenberg-tm electronic works provided that - You pay a royalty fee of 20% of the gross profits you derive from the use of Project Gutenberg-tm works calculated using the method you already use to calculate your applicable taxes. The fee is owed to the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, but he has agreed to donate royalties under this paragraph to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation. Royalty payments must be paid within 60 days following each date on which you prepare (or are legally required to prepare) your periodic tax returns. Royalty payments should be clearly marked as such and sent to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation at the address specified in Section 4, "Information about donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation." - You provide a full refund of any money paid by a user who notifies you in writing (or by e-mail) within 30 days of receipt that s/he does not agree to the terms of the full Project Gutenberg-tm License. You must require such a user to return or destroy all copies of the works possessed in a physical medium and discontinue all use of and all access to other copies of Project Gutenberg-tm works. - You provide, in accordance with paragraph 1.F.3, a full refund of any money paid for a work or a replacement copy, if a defect in the electronic work is discovered and reported to you within 90 days of receipt of the work. - You comply with all other terms of this agreement for free distribution of Project Gutenberg-tm works. 1.E.9. If you wish to charge a fee or distribute a Project Gutenberg-tm electronic work or group of works on different terms than are set forth in this agreement, you must obtain permission in writing from both the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and Michael Hart, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark. Contact the Foundation as set forth in Section 3 below. 1.F. 1.F.1. Project Gutenberg volunteers and employees expend considerable effort to identify, do copyright research on, transcribe and proofread public domain works in creating the Project Gutenberg-tm collection. Despite these efforts, Project Gutenberg-tm electronic works, and the medium on which they may be stored, may contain "Defects," such as, but not limited to, incomplete, inaccurate or corrupt data, transcription errors, a copyright or other intellectual property infringement, a defective or damaged disk or other medium, a computer virus, or computer codes that damage or cannot be read by your equipment. 1.F.2. LIMITED WARRANTY, DISCLAIMER OF DAMAGES - Except for the "Right of Replacement or Refund" described in paragraph 1.F.3, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, the owner of the Project Gutenberg-tm trademark, and any other party distributing a Project Gutenberg-tm electronic work under this agreement, disclaim all liability to you for damages, costs and expenses, including legal fees. YOU AGREE THAT YOU HAVE NO REMEDIES FOR NEGLIGENCE, STRICT LIABILITY, BREACH OF WARRANTY OR BREACH OF CONTRACT EXCEPT THOSE PROVIDED IN PARAGRAPH F3. YOU AGREE THAT THE FOUNDATION, THE TRADEMARK OWNER, AND ANY DISTRIBUTOR UNDER THIS AGREEMENT WILL NOT BE LIABLE TO YOU FOR ACTUAL, DIRECT, INDIRECT, CONSEQUENTIAL, PUNITIVE OR INCIDENTAL DAMAGES EVEN IF YOU GIVE NOTICE OF THE POSSIBILITY OF SUCH DAMAGE. 1.F.3. LIMITED RIGHT OF REPLACEMENT OR REFUND - If you discover a defect in this electronic work within 90 days of receiving it, you can receive a refund of the money (if any) you paid for it by sending a written explanation to the person you received the work from. If you received the work on a physical medium, you must return the medium with your written explanation. The person or entity that provided you with the defective work may elect to provide a replacement copy in lieu of a refund. If you received the work electronically, the person or entity providing it to you may choose to give you a second opportunity to receive the work electronically in lieu of a refund. If the second copy is also defective, you may demand a refund in writing without further opportunities to fix the problem. 1.F.4. Except for the limited right of replacement or refund set forth in paragraph 1.F.3, this work is provided to you 'AS-IS', WITH NO OTHER WARRANTIES OF ANY KIND, EXPRESS OR IMPLIED, INCLUDING BUT NOT LIMITED TO WARRANTIES OF MERCHANTIBILITY OR FITNESS FOR ANY PURPOSE. 1.F.5. Some states do not allow disclaimers of certain implied warranties or the exclusion or limitation of certain types of damages. If any disclaimer or limitation set forth in this agreement violates the law of the state applicable to this agreement, the agreement shall be interpreted to make the maximum disclaimer or limitation permitted by the applicable state law. The invalidity or unenforceability of any provision of this agreement shall not void the remaining provisions. 1.F.6. INDEMNITY - You agree to indemnify and hold the Foundation, the trademark owner, any agent or employee of the Foundation, anyone providing copies of Project Gutenberg-tm electronic works in accordance with this agreement, and any volunteers associated with the production, promotion and distribution of Project Gutenberg-tm electronic works, harmless from all liability, costs and expenses, including legal fees, that arise directly or indirectly from any of the following which you do or cause to occur: (a) distribution of this or any Project Gutenberg-tm work, (b) alteration, modification, or additions or deletions to any Project Gutenberg-tm work, and (c) any Defect you cause. Section 2. Information about the Mission of Project Gutenberg-tm Project Gutenberg-tm is synonymous with the free distribution of electronic works in formats readable by the widest variety of computers including obsolete, old, middle-aged and new computers. It exists because of the efforts of hundreds of volunteers and donations from people in all walks of life. Volunteers and financial support to provide volunteers with the assistance they need, is critical to reaching Project Gutenberg-tm's goals and ensuring that the Project Gutenberg-tm collection will remain freely available for generations to come. In 2001, the Project Gutenberg Literary Archive Foundation was created to provide a secure and permanent future for Project Gutenberg-tm and future generations. To learn more about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation and how your efforts and donations can help, see Sections 3 and 4 and the Foundation web page at http://www.pglaf.org. Section 3. Information about the Project Gutenberg Literary Archive Foundation The Project Gutenberg Literary Archive Foundation is a non profit 501(c)(3) educational corporation organized under the laws of the state of Mississippi and granted tax exempt status by the Internal Revenue Service. The Foundation's EIN or federal tax identification number is 64-6221541. Its 501(c)(3) letter is posted at http://pglaf.org/fundraising. Contributions to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation are tax deductible to the full extent permitted by U.S. federal laws and your state's laws. The Foundation's principal office is located at 4557 Melan Dr. S. Fairbanks, AK, 99712., but its volunteers and employees are scattered throughout numerous locations. Its business office is located at 809 North 1500 West, Salt Lake City, UT 84116, (801) 596-1887, email business@pglaf.org. Email contact links and up to date contact information can be found at the Foundation's web site and official page at http://pglaf.org For additional contact information: Dr. Gregory B. Newby Chief Executive and Director gbnewby@pglaf.org Section 4. Information about Donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation Project Gutenberg-tm depends upon and cannot survive without wide spread public support and donations to carry out its mission of increasing the number of public domain and licensed works that can be freely distributed in machine readable form accessible by the widest array of equipment including outdated equipment. Many small donations ($1 to $5,000) are particularly important to maintaining tax exempt status with the IRS. The Foundation is committed to complying with the laws regulating charities and charitable donations in all 50 states of the United States. Compliance requirements are not uniform and it takes a considerable effort, much paperwork and many fees to meet and keep up with these requirements. We do not solicit donations in locations where we have not received written confirmation of compliance. To SEND DONATIONS or determine the status of compliance for any particular state visit http://pglaf.org While we cannot and do not solicit contributions from states where we have not met the solicitation requirements, we know of no prohibition against accepting unsolicited donations from donors in such states who approach us with offers to donate. International donations are gratefully accepted, but we cannot make any statements concerning tax treatment of donations received from outside the United States. U.S. laws alone swamp our small staff. Please check the Project Gutenberg Web pages for current donation methods and addresses. Donations are accepted in a number of other ways including including checks, online payments and credit card donations. To donate, please visit: http://pglaf.org/donate Section 5. General Information About Project Gutenberg-tm electronic works. Professor Michael S. Hart is the originator of the Project Gutenberg-tm concept of a library of electronic works that could be freely shared with anyone. For thirty years, he produced and distributed Project Gutenberg-tm eBooks with only a loose network of volunteer support. Project Gutenberg-tm eBooks are often created from several printed editions, all of which are confirmed as Public Domain in the U.S. unless a copyright notice is included. Thus, we do not necessarily keep eBooks in compliance with any particular paper edition. Most people start at our Web site which has the main PG search facility: http://www.gutenberg.net This Web site includes information about Project Gutenberg-tm, including how to make donations to the Project Gutenberg Literary Archive Foundation, how to help produce our new eBooks, and how to subscribe to our email newsletter to hear about new eBooks. *** END: FULL LICENSE ***